Bakunang MMRV (Tigdas, Beke, Rubella, at Bulutong-tubig): Ang Kailangan Mong Malaman [2021]
Supporting Files
Public Domain
-
08/06/2021
-
File Language:
Tagalog
Details
-
Alternative Title:MMRV Vaccine (Measles, Mumps, Rubella, and Varicella): What You Need to Know [2021] [Tagalog] ; Vaccine Information Statement: MMRV Vaccine (Measles, Mumps, Rubella, and Varicella): What You Need to Know [2021]
-
Corporate Authors:
-
Description:Ang VIS o Vaccine Information Statement ay isang dokumento, na ginawa ng CDC, na nagbibigay-kaalaman sa mga tatanggap ng bakuna - o sa kanilang mga magulang o legal na kinatawan - tungkol sa mga benepisyo at panganib ng bakunang tinatanggap nila. Ang lahat ng tagapagbigay ng bakuna, pampubliko man o pribado, ay kinakailangan ayon sa National Vaccine Childhood Injury Act (NCVIA - 42 U.S.C. § 300aa-26) na ibigay ang naaangkop na VIS sa pasyente (o sa magulang o legal na kinatawan) bago ang bawat dosis ng partikular na mga bakuna. Ang naaangkop na VIS ay dapat ibigay bago ang pagbabakuna, at dapat ibigay bago ang bawat dosis ng isang serye ng maraming dosis. Ito ay dapat ibigay anuman ang edad ng tatanggap: mula sa https://www.cdc.gov/vaccines/hcp/about-vis/index.html.
Ang mga VIS ay naisalin na sa halos 40 wika. Ang mga ito ay matatagpuan sa website ng kasosyo ng CDC, https://www.immunize.org/vis/. Hindi lahat ng VIS ay naisalin sa bawat wika.
Bakit magpabakuna? Ang bakunang MMRV ay maaaring makapigil sa tigdas, beke, rubella, at bulutong-tubig. Ang TIGDAS (M) ay nagdudulot ng lagnat, ubo, pagsipon, at pamumula at pamamaga ng mga mata na may luha, na karaniwang sinusundan ng pantal na kumakalat sa buong katawan. Maaari itong humantong sa mga kombulsyon (kadalasang kaugnay ng lagnat), impeksyon sa tainga, pagtatae, at pulmonya. Bihira, ngunit ang tigdas ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak o kamatayan. Ang BEKE (M) ay nagdudulot ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, kawalan ng ganang kumain, at pamamaga at panunumbaba ng mga glandulang laway sa ilalim ng tainga. Maaari itong humantong sa pagkabingi, pamamaga ng utak at/o ng balot ng spinal cord, masakit na pamamaga ng mga testikulo o ovaries, at, napakabihira, kamatayan. Ang RUBELLA (R) ay nagdudulot ng lagnat, pananakit ng lalamunan, pantal, sakit ng ulo, at pangangati ng mata. Maaari itong magdulot ng arthritis sa hanggang kalahati ng mga tin-edyer at mga may-edad nang babae. Kung ang isang babae ay magkaroon ng rubella habang buntis, maaari siyang makunan, o ang sanggol ay maaaring ipanganak nang may malubhang depekto sa panganganak. Ang BULUTONG-TUBIG (V), na tinatawag ding "chickenpox," ay nagdudulot ng makating pantal, bukod pa sa lagnat, pagkapagod, kawalan ng ganang kumain, at sakit ng ulo. Maaari itong humantong sa impeksyon sa balat, pulmonya, pamamaga ng mga daluyan ng dugo, pamamaga ng utak at/o ng balot ng spinal cord, at impeksyon ng dugo, buto, o kasu-kasuan. Ang ilang mga taong nagkaroon ng chickenpox ay nagkakaroon ng masakit na pantal na tinatawag na "shingles" (kilala rin bilang herpes zoster) pagkalipas ng ilang taon. Karamihan sa mga taong nabakunahan ng MMRV ay mananatiling protektado habambuhay. Ang mga bakuna at ang mataas na antas ng pagbabakuna ay naging dahilan upang ang mga sakit na ito ay maging mas madalang na sa Estados Unidos.
-
Subjects:
-
Keywords:
-
Series:
-
Subseries:
-
Publisher:
-
Document Type:
-
Genre:
-
Place as Subject:
-
Rights:Public Domain
-
CIO:
-
Division:
-
Topic:
-
Location:
-
Pages in Document:2 pdf pages
-
Collection(s):
-
Main Document Checksum:urn:sha-512:7b1f2f9d357d6c1c94780c85fb9ff78c9d315cc751c7be128e575fa0984805fab0b2c5d9c3a1ab50da3632e7a10f372119e06694bed485b1b3f7bb22654a23ba
-
Download URL:
-
File Type:
File Language:
Tagalog
CDC STACKS serves as an archival repository of CDC-published products including
scientific findings,
journal articles, guidelines, recommendations, or other public health information authored or
co-authored by CDC or funded partners.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
You May Also Like
COLLECTION
Infectious Diseases