Protektahan ang sarili: mga kemikal na panlinis at Iyong kalusugan.
Public Domain
-
2012/07/01
Details
-
Corporate Authors:
-
Description:Ang paggamit ng mga kemikal na panlinis ay maaaring magdulot ng: 1. Pag-ubo; 2. Paghuni; 3. Mapula, Makating mga Mata; 4. Pamumutlig ng Balat; 5. Pagkasunog ng Balat at Mata; 6. Pagkahapo; 7. Pananakit ng Lalamunan; 8. Mga Pananakit ng Ulo o Pagkahilo; 9. Mga Balinguynguy; 10. Hika. Kung ikaw ay mayroong mga problemang pangkalusugan na sa iyong palagay ay dulot ng paggamit ng mga kemikal na panlinis, sabihin sa iyong superbisor at hilingin na magpatingin sa isang doktor. Ano ang Kailangan Mong Malaman: Huwag haluin ang mga produktong panlinis na naglalaman ng bleach at amonya. Mga gas na mapanganib ay maaaring mapakawalan at maaaring magdulot ng malalang pinsala sa baga. Ang iyong pinagtatrabahuhan ay kailangang maglaan ng isang ligtas na lugar ng trabaho na mayroong: 1. Sapat na bentilasyon (daloy ng hangin) kapag gumagamit ng mga kemikal na panlinis. 2. Pamproteksiyong damit, guwantes at mga pangkaligtasang kasuotan sa mata, kapag kailangan. 3. Mga etiketa sa mga sisidlan ng mga kemikal na panlinis. 4. Pagsasanay ukol sa mga peligro ng mga kemikal na panlinis na iyong ginagamit at mga ligtas na kasanayan sa trabaho. Ikaw ay nararapat na sanayin ng iyong pinagtatrabahuhan na: 1. Alamin ang mga peligro ng mga kemikal na panlinis BAGO ito gamitin. 2. Alamin kung paano gumamit at mag-imbak ng mga kemikal na panlinis nang ligtas. 3. Alamin kung paano at kailan palalabnawin ang mga kemikal na panlinis na iyong ginagamit. 4. Alamin kung ano ang gagawin kapag may natapon o ibang emerhensiya. 5. Alamin kung paano kumuha at gumamit ng impormasyon sa peligro sa mga etiketa at mga papel ng mga datos ukol sa kaligtasan ng materyal (material safety data sheets, MSDS). 6. Alamin kung paano at kailan gagamit ng pamproteksiyong damit, guwantes at mga pangkaligtasang kasuotan sa mata. Tandaan: Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos gumamit ng mga kemikal na panlinis at bago kumain, uminom, o manigarilyo. Ang dokumentong ito ay magagamit din sa: Chinese.
-
Subjects:
-
Keywords:
-
Publisher:
-
Document Type:
-
Genre:
-
Place as Subject:
-
CIO:
-
Division:
-
Topic:
-
Location:
-
Pages in Document:1
-
NIOSHTIC Number:nn:20041153
-
Citation:Cincinnati, OH: U.S. Kagawaran ng Kalusugan at Human Serbisyo, ang Public Health Service, ang Sentro para sa Disease Control at Prevention, Pambansang Institute para sa trabaho Kaligtasan at Kalusugan, DHHS (NIOSH) Publication Numero 2012-125tgl, 2012 Jul; :1
-
CAS Registry Number:
-
Federal Fiscal Year:2012
-
Peer Reviewed:False
-
Source Full Name:Pambansang Institute para sa trabaho Kaligtasan at Kalusugan
-
Collection(s):
-
Main Document Checksum:urn:sha-512:4cd3cbb801c6901706d9480fd2361c517d4238b34627df699165bcb69f4a0dc1bb2e6bee55dd70f2b1a56b90232036dd751944e75a0d1a9a47ff6165fd0677f5
-
Download URL:
-
File Type:
ON THIS PAGE
CDC STACKS serves as an archival repository of CDC-published products including
scientific findings,
journal articles, guidelines, recommendations, or other public health information authored or
co-authored by CDC or funded partners.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
You May Also Like