Bakuna sa MMR (Measles (Tigdas), Mumps (Beke), at Rubella): Ano ang kailangan mong malaman [2021]
Multi-Language
Supporting Files
-
2021/08/06
-
File Language:
Details
-
Alternative Title:MMR Vaccine (Measles, Mumps, Rubella): What You Need to Know [2021] [Tagalog] ; Vaccine Information Statement: MMR Vaccine (Measles, Mumps, and Rubella): What You Need to Know [2021]
-
Corporate Authors:
-
Description:Ang VIS o Pahayag ng Impormasyon sa Bakuna ay isang dokumento, na ginawa ng CDC, na nagbibigay-alam sa mga tatanggap ng bakuna – o sa kanilang mga magulang o legal na kinatawan – tungkol sa mga benepisyo at panganib ng bakunang kanilang tinatanggap. Lahat ng tagapagbigay ng bakuna, publiko man o pribado, ay kinakailangan ng Batas sa Pambansang Pinsala ng Bakuna sa Pagkabata (NCVIA – 42 U.S.C. § 300aa-26) na ibigay ang naaangkop na VIS sa pasyente (o magulang o legal na kinatawan) bago ang bawat dosis ng mga tiyak na bakuna. Ang naaangkop na VIS ay dapat ibigay bago ang pagbabakuna at dapat ibigay bago ang bawat dosis sa isang serye ng maraming dosis. Dapat itong ibigay anuman ang edad ng tatanggap: https://www.cdc.gov/vaccines/hcp/about-vis/index.html. Ang mga VIS ay isinalin sa halos 40 wika. Mahahanap ang mga ito sa website ng kasosyo ng CDC, https://www.immunize.org/vis/. Hindi lahat ng VIS ay isinalin sa bawat wika.
Bakit magpabakuna?
Ang bakuna ng MMR ay makakapigil ng tigdas, beke, at rubella.
TIGDAS (M) ay nagdudulot ng lagnat, ubo, sipon, at mapula at maluha-luhanang mga mata, na karaniwang sinusundan ng pamamantal na sumasaklaw sa buong katawan. Maaari itong humantong sa mga seizure (madalas na nauugnay sa lagnat), impeksyon sa tainga, pagtatae, at pulmonya. Sa bihirang pagkakataon, ang tigdas ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak o kamatayan.
BEKE (M) ay nagdudulot ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagod, kawalan ng gana sa pagkain, at pamamaga at pananakit ng mga glandula ng laway sa ilalim ng mga tainga. Maaari itong humantong sa pagkabingi, pamamaga ng utak at/o ng takip ng gulugod, masakit na pamamaga ng mga bayag o obaryo, at, napakabihirang, kamatayan.
RUBELLA (R) ay nagdudulot ng lagnat, sakit ng lalamunan, pamamantal, sakit ng ulo, at pangangati ng mata. Maaari itong magdulot ng arthritis sa hanggang kalahati ng mga kabataang babae at matatandang kababaihan. Kung ang isang babae ay magkaroon ng rubella habang siya ay buntis, maaari siyang magka-miscarriage, o ang sanggol ay maaaring ipanganak na may malubhang kapansanan sa kapanganakan.
Karamihan sa mga taong bakunahan ng MMR ay maaalalayan habambuhay. Ang mga bakuna at mataas na antas ng pagbabakuna ay nagpababa ng paglaganap ng mga sakit na ito sa Estados Unidos.
-
Subjects:
-
Keywords:
-
Series:
-
Subseries:
-
Publisher:
-
Document Type:
-
Funding:
-
Genre:
-
Place as Subject:
-
Rights:Public Domain
-
CIO:
-
Division:
-
Topic:
-
Location:
-
Pages in Document:3 pdf pages
-
Volume:2021
-
Collection(s):
-
Main Document Checksum:urn:sha-512:b8b88107857cf75784e1f987d32556e723978d625ebeb00ea11349a2ed34caa3b3330463902d663a9ee8df0d6a023f4cd0d44aa38c31a8c50eb6b8b8329a787a
-
Download URL:
-
File Type:
File Language:
ON THIS PAGE
CDC STACKS serves as an archival repository of CDC-published products including
scientific findings,
journal articles, guidelines, recommendations, or other public health information authored or
co-authored by CDC or funded partners.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
As a repository, CDC STACKS retains documents in their original published format to ensure public access to scientific information.
You May Also Like
COLLECTION
Infectious Diseases